19: Breakfast

613 32 3
                                        

Dahyun's Pov:

Maaga akong pumasok ngayon pero malalaman kong aabsent pala sila Tzuyu at Chaeyoung. Mga sira ulo talaga. Masakit daw ang ulo ni Tzuyu tapos may importanteng lakad daw si Chaeyoung.

Miss ko na kaagad ang dalawang 'yun. Dahil wala ang dalawang bestfriend ko, mag-isa akong tumambay sa classroom.

Maya-maya, dumating na si Nayeon. Tahimik lang siya na naupo sa pwesto niya.

"Ahm. Good Morning." Bati ko sa kanya.

"Morning." Seryosong sagot niya. Oops. Malamang bumalik na 'yung Nayeon na nagsusungit. Bigla ko tuloy namiss yung caring na Nayeon.

"Ahm. Kumain ka na?"

"Nag-almusal na ko." Seryosong sagot niya nang hindi lumilingon sakin.

"Sure ka?"

"Yes."

"Sige. Ikaw ang bahala." Sagot ko sa kanya. Ilang segundo ang nakalipas, biglang kumulo ang sikmura ko.

Hindi na ko nakapagalmusal kanina. Nakalimutan ko kasi dahil sa excitement na pumasok. Ewan ko ba, basta excite na excite ako kanina pumasok kaya ngayon nagugutom ako.

"Mukhang ikaw ang hindi pa kumakain ah." Sambit niya kaya napahawak ako sa tiyan kong kumukulo na dahil sa gutom.

"A--Ayos lang ako. Don't Worry."

"Tsk. Bahala ka nga diyan." Sagot niya sabay biglang alis ng classroom. Saan pupunta 'yon? Nabadtrip ba siya sakin? Nakulitan na naman siya? Aish. Ang daldal ko kasi eh. Hindi ko mapigilang dumaldal.

Makalipas ang ilang minuto, nagtitiis parin ako ng gutom. Kaya ko 'to. Mamaya na ko kakain. Kailangan kong magtipid para madali ang pagiipon ko ng pera na itutulong sa mga bayarin namin ni Mama.

Sa kalagitnaan ng pagtitiis ko ng gutom, bumalik na si Nayeon.

"Here!" Sabi niya sabay lapag ng mga pagkain sa harapan ko. Hala. Para sakin 'to?

"A--Anong ibig sabihin nito?"

"Kainin mo! Diba nagugutom ka, kumain ka." Seryosong sagot niya habang nakatayo sa harapan ko.

"Pa--Para sakin 'to?"

"Kanino pa ba? Tsk. Kumain ka na. Ikaw na rin ang nagsabi na masamang magpalipas ng gutom." Dagdag niya. Ang weird na naman niya.

"Pero bakit bumili ka pa para sakin? Nakakahiya naman. Babayaran ko na lang. Magkano ba?"

"No need. Sayo na 'yan. Don't get me wrong. Binili kita ng pagkain para kumain ka na lang imbes na daldalin pa ko. Okay? Sige na. Kumain ka na diyan."

"Nakakahiya naman. Mamaya ko na lang kakainin. Hindi pa naman ako masyadong gutom."

"Fine. Bahala ka diyan. Lalabas na muna ko ng classroom." Sagot niya sabay lakad na paalis.

Nang makalabas siya sa classroom, hindi ko na napigilang galawin yung pagkain. Itsura palang masarap na. O m g ! Gutom na gutom na talaga ako.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon