79: Everything Has Changed

411 21 18
                                    

Dahyun's Pov:

Sa loob ng mahabang panahon, tiniis ko lahat ng sakit na idinulot ni Nayeon sakin. Kahit mahirap, sinubukan ko. Kahit parang hindi na matatapos yung masasakit na alaala, ginawan ko parin ng paraan para patuloy akong ngumiti at sumaya.

Sa probinsya ako nagcollege kung saan nakasama ko rin si Sana. Tinupad niya yung mga sinabi niya, hindi talaga siya umalis sa tabi ko.

Si Sana ang nagsilbing sandalan ko nung mga panahon na kailangan ko ng karamay lalo na noong nawala sakin si Mama. Oo, wala na si Mama. Nagkaroon siya ng brain tumor. Sinubukan niyang lumaban pero hindi na talaga kinaya kaya naman hinayaan ko na siyang makapagpahinga.

Halos araw-araw akong umiiyak noon. Iniisip ko kung paano na tatakbo ang buhay ko ngayong mag-isa na lang ako. Pero nahinto ang pag-aalalang 'yon nang manatili sa tabi ko si Sana at ang magulang niya.

Inituring nila akong parang tunay na pamilya. Mas pinili nilang patirahin ako sa bahay nila sa probinsya para may kasama ako. Marami kaming nabuong magagandang ala-ala.

Hanggang sa maggraduate kami ni Sana ng college, pati ako suportado ng magulang niya. Sobrang bait ng magulang ni Sana. Sobrang bait ni Sana. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya.

Nang makapagtapos ng pag-aaral, nagdesisyong mag-ibang bansa si Sana at ang magulang niya. Hindi ko inaasahan na isasama rin pala nila ako. Nung una tinanggihan ko dahil nakakahiya na. Ang dami na nilang naitulong sa buhay ko. Pero naisip ko rin na magandang simula na rin 'yun para sa bagong buhay.

Tumira kami sa Japan kung saan tumulong ako sa pagmamanage ng business nila. Meron rin silang sikat na beach resort sa Japan. Ang dami kong natutunan. Ang dami kong napagdaanan.

Hindi ako mapupunta sa kung nasaan ako ngayon kung hindi dahil kay Sana at sa magulang niya. Naalala ko yung sinabi ni Mama bago siya mawala. Sinabi niyang huwag kong hayaan na saktan ako ng ibang tao. Huwag ko raw hayaang abusuhin yung kabaitan ko. Ipinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat para matupad lahat ng pangarap ko.

Nitong isang linggo lang kami bumalik sa South Korea para asikasuhin naman yung business nilang beach resort na noon ay binisita namin ni Sana. Naisip ko, eto na nga ang bagong simula.

Isa pa, nababalitaan ko ring successful na rin ang mga kaibigan ko. Nakakaproud naman. Excited na kong makita ulit sila Chaeyoung.

May ini-meet akong client kanina tungkol sa plano nilang event sa beach resort. Mabuti na lang naging maganda ang usapan namin. Matutuwa nito sila Sana. Gusto kong bumawi sa kanila. Gusto kong tumulong.

Matapos makipagmeeting sa client, naisipan kong maglibot-libot muna dahil namiss ko rin ang lugar namin. Pinagmasdan ko yung dating bahay namin ni Mama Jihyo. Grabe. Ang tagal kong nawala. Biglang bumalik sa ala-ala ko lahat ng memories namin ni Mama Jihyo sa bahay namin. Yung mga moments na nakakatuwa talaga lalo na kapag tinutulungan ko siyang magasikaso sa karinderya namin.

Naramdaman kong nagsisimula na naman akong maging emosyonal kaya umalis na ko sakay ng taxi. Sa kakalibot ko, napadpad ako sa seaside kung saan marami ring ala-ala ang nangyari noon.

Pumuwesto na lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang alon ng dagat. Namiss ko ang lugar na 'to. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang gandang pagmasdan ng karagatan.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon