18: Tulad Niya

570 34 4
                                        

Nayeon's Pov:

Nang dumating ako sa bahay, naabutan kong kumakain ang Mom ko sa dining room. Habang abala naman sa panonood ng TV sa living room si Dad.

Paakyat na sana ako sa kwarto nang magsalita si Dad.

"Nabanggit ng maid na may dinala ka daw ditong babae." Natigilan ako nang marinig si Dad.

"Yes po." Kalmadong sagot ko.

"Sino naman yung dinala mong 'yun dito? Sabihin mo nga, inaatupag mo pa ba ang pagaaral mo o nagkakandaloko ka na lang sa pakikipagdate?"

"Hindi naman po kayo maniniwala kahit sabihin kong walang namamagitan samin ng babaeng isinama ko dito sa bahay. Tinulungan ko lang siyang gamutin ang sugat niya. Saka, ano po bang pakialam niyo kung makipagdate man ako? Kayo nga, hindi ko pinipigilan sa tuwing mambababae kayo." Sagot ko sa kanya.

"Aba. Sumasagot-sagot ka pa! Ganyan ang natututunan mong ugali sa mga kalokohan mo. Ano? May gimik ka na naman mamaya? Tatambay ka na naman sa bar? Uuwi ka nang madaling araw tapos dadalhin mo sa school 'yang kalokohan mo? Nayeon, Umayos ka nga. Hindi ka namin pinapaaral para lang magbolakbol."

"Sige po. Isipin niyo po ang gusto niyong isipin. Mukhang hindi ko na mababago ang iniisip niyo tungkol sakin. Gusto ko lang pong sabihin na hindi ako ganyang klaseng tao. Anak niyo ko pero hindi niyo parin talaga ko magawang kilalanin."

Maya-maya, lumapit si Mom sakin.

"Ano na namang pinagtatalunan niyo?" Tanong ni Mom samin.

"Yang anak mo kasi! Wala na ngang magawang tama, nagawa pang magdala ng babae dito sa bahay."

"Eh, Ano naman? Hindi na bata ang anak mo. Alam niya ang ginagawa niya. Ikaw nga 'tong iresponsable dahil alam mo nang may pamilya ka, nambababae ka parin." Sambit ni Mom kaya naginit lalo ang ulo ni Dad.

"Bakit napunta na naman sakin ang usapan? Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong ginagawang masama?!" Sigaw ni Dad.

"Wala? Wala ka nang maloloko dito! Nakita ka daw ng isa sa mga amiga ko na may kasamang ibang babae. Ano ba? Tuluyan mo na bang sisirain ang pamilyang 'to?!" Sigaw din ni Mom.

"Magpapahinga na po ko." Sabi ko na lang sabay pasok na sa kwarto. Heto na naman sila.

Nahiga na lang ako sa kama't napalingon sa ceiling. Bigla kong naalala kung paano alagaan si Dahyun ng Mama niya. Ibang-iba sa magulang ko. Maswerte si Dahyun dahil meron siyang mabait at mapagmahalan na nanay kahit maagang nawala ang tatay niya.

Aminado kong iba yung saya na naramdaman ko habang kasabay sa pagkain sila Dahyun. Totoong masarap magluto ang Mama niya. Napaisip tuloy ako na hindi ginagawa ni Mom sakin 'yun. Alam kong nagtatrabaho sila pareho para sa future ko pero bakit hindi ko maramdaman na para sakin talaga 'yon?

Matapos makasama si Dahyun at ang Mama niya. May narealize ako. Maganda ang bond ni Dahyun at ng Mama niya kaya palagi siyang positive thinker.

Napupuno siya ng positibe vibes samantalang ako puro negative ang naiipon ko. Sa loob ng matagal na panahon, puro away at pagtatalo nila Mom at Dad ang nasasaksihan ko. Naapektuhan pati 'yung buhay ko. Yung kagustuhan kong makisama sa ibang tao unti-unti nang nawawalan ng sigla.

Habang pinagmamasdan si Dahyun at ang Mama niya, hindi ko maiwasang mapangiti. Kitang-kita ko na close talaga sila ng mama niya. Nakakainggit. Inaamin ko. Sana ganun na lang din kami nila Mom at Dad. Kaso hindi eh, malabong maging ganon rin kami.

Isa pa, seryoso rin ako sa sinabi kong gusto kong bumalik don. Masarap kasi talaga yung luto ng mama ni Dahyun. Pakiramdam ko nasa isang masayang pamilya ako. Pakiramdam ko welcome na welcome talaga ako. Hindi ko rin maiexplain eh. Basta babalik ulit ako don kahit na ---- hindi kami magkaibigan ni Dahyun.

Ang weird lang non. Hindi kami magkaibigan ni Dahyun pero babalik ako nang paulit-ulit sa kanila. Pwede naman siguro 'yon, diba? Makikikain lang ako. Makikijoin lang ako dahil alam kong makakaramdam ako ng good vibes sa kanila.

Habang nagmumuni-muni, hindi ko maiwasang maalala yung nangyari kay Dahyun. Grabe rin yung nga estudyanteng nantitrip sa kanya. Kung pwede nga lang na bugbugin ko 'yong mga 'yun eh kaso ayaw ni Dahyun.

Ang weird niya talaga. Kung ipagpapatuloy niya 'yon, aabusuhin lang siya nang paulit-ulit dahil sa sobrang kabaitan niya sa kanila. Tsk. At nakakaloko lang isipin na si Dahyun ang unang beses na paangkasin ko sa motor. Siya rin ang kauna-unahang pinahiram ko ng damit ko.

Hindi naman ako nagsheshare ng damit kila Momo eh. Mayayaman yung mga mokong na 'yun.

Si Dahyun rin ang kauna-unahang pinapasok ko nang boluntaryo sa kwarto ko. Dapat lang siyang magpasalamat. Karangalan 'yon, Ano ba?!

Pahamak naman 'yung mga maid namin. Binigyan agad ng malisya yung pagsama ko kay Dahyun dito sa bahay. Pasalamat siya't tinatamad ako ngayon kaya palalagpasin ko ang pangingialam nila.

"Kim Dahyun" Nabanggit ko na lang habang nakatingin sa ceiling.

Ngayon lang ako nakakilala ng tulad niyang ganun katinde magpatawad. Tulad niya na kahit nasaktan na, nakangiti parin. Tulad niya na inuuna ang iba kaysa sa sarili niya. Tulad niya na mahilig sa cute stuffs. Aish. Ano bang trip niya sa bunny teeth ko? Kainis. Ang daldal niya talaga. Mana siya sa mama niya. Lol.

Aish. What's wrong with me? Bakit pinagaaksayahan ko ng oras ang pagiisip sa madaldal na 'yon?! Makatulog na nga lang.

💓To Be Continued💓

A/N: Sa lahat ng nagstay, Thank you so much.

Don't forget to leave some comments. Thanks.

You Should TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon