Hustisya

502 0 0
                                    

Hustisya ang sigaw ng mga mamamayan,
Para sa dalawang inosenteng kinitil ng isang sumumpang ipagtatanggol ang ating bayan.
Uniporme ng mabubuting kapulisan,
Sa isang iglap ay nadungisan.

Sinuman sa ati'y di dapat tumapos ng buhay,
Tanging ang nagbigay lamang ang may karapatang kunin ito ng may saysay.
May paraan upang problema'y mapag-usapan,
Hindi nararapat sa dahas idaan.

Kung nakita n'yo kung paano ginawa,
Imulat n'yo ang inyong mga mata baka nabubulag kayo ng hindi sinasadya.
Yan ba talaga ang laman ng inyong damdamin?
O, gusto n'yo lamang magpapansin?

Pinag-uusapan, bulong-bulungan 'di pa ba sapat upang kayo'y malinawan?
Buksan n'yo ang inyong puso kasabay ng inyong isipan.
Huwag muna kayong magpaskil ng walang katotoran.
Buong kuwento'y inyo munang alamin,
Saka n'yo sukatin ang inyong damdamin.

Halina't ihingi natin ng kapayapaan,
Ang mga nawala kahit walang kasalanan.
Nariyan ang ating Maykapal,
Na makikinig sa ating dasal.
Siya ang may karapatang humusga,
Sa isang PULIS NA MAY MAYSALA.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon