Sa bawat pagsubok ng ating buhay di maiwasang bumigay,
Lalo kung ka'y sakit at walang umaalalay.
Paano natin ito malalampasan?
Ka'y hirap lalo na kung puso ang dahilan.Ilaw na nakadungaw sa maliit na butas,
Gagamiting gabay at sa pag-aho'y gagawing alas,
Hindi man ngayon ay naniniwalang makalalagpas,
Sa pagsubok ng buhay na may limitasyong oras.Kakapit sa Panginoon sa pamamagitan ng dasal,
Sa nakaraang may panghihina huhugot ng aral,
Di kalilimutan ang mga sinapit,
Sasagutin ang mga tanong kung bakit.Gabay at tanda ng pag-asa'y kakapitan,
Daan patungo dito' aking susundan,
Maging pagsubok ay 'di aatrasan,
Marating ka'y galak at kapanatagan.Pagiging mahina'y iisantabi,
Kun'di sa mundo'y mawawalan ka ng silbi,
Hindi masamang umasa habang may buhay,
Sapagkat ang pagsubok Siya ang may bigay.Tulong ng kapwa'y huwag tatanggihan,
Oras Niya sa iyo'y pahalagahan,
Paglagpas sa pagsubok ay 'di pahirapan,
Walang ibang paraan kun'di ang pagtutulungan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading