Ang pagsikat ng araw ay bagong umaga,
Bawat sinag nito'y nagbibigay ng pag-asa.
Liwanag nito sa buhay ay may malaking saysay,
Nilikha ng Panginoon upang sa mundo'y magbigay kulay.Ka'y sarap daw pagmasdan nang pagtatakip-silim,
Payapa ang kalangitan habang dumi-dilim,
Araw ay namamaalam, buwa'y kumakaway,
Kalakip ng mga butuing nakaalalay.Maihahalintulad ba ang takip-silim sa ating buhay?
O, kahit anong gawi'y walang ideyang mahuhukay?
Ang paglubog ng araw ay walang kahulugan,
Di gaya ng pagsikat na ngiti ang pasan-pasan.
Huwag nating ikumpara ang araw at ang buwan,
Sapagkat pareho silang may silbi sa kalawakan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading