Lakas ng Kahinaan

289 0 0
                                    

Paano nasusukat ang limitasyon ng katatagan?
Paano niya nasasabing maligaya siya sa kaniyang kalayaan?
Paano niya nasasabing 'di siya malungkot?
Paano niya nagagawang makinig sa musikang may pag-iimbot?

Matatag sapagkat 'di lumuluha,
Naaaninag ang saya, lahat nagagawa.
Kahanga-hanga, natatangi sa lahat ng mga iniwan,
Para bang ni kaunti'y 'di nasaktan.

Ngunit maligaya nga kaya siya?
Tunay kaya ang kaniyang 'pinakikita?
Ano kayang ginagawa niya sa tuwing siya'y nag-iisa?
Natutulala rin kaya siya tulad nang iba?

Mapanlinlang ang labi,
Kaya't titigan n'yo ang kaniyang mata kung may hikbi.
Paano kung ang puso'y nakakaramdam pala ng sakit?
Paano kung ang laman pala ng isip niya'y puro, BAKIT?

Habang ang malulungkot na musika'y tumutugtog,
Parang walang naririnig na indayog,
Paos na ang mang-aawit,
Hindi pa rin siya nangiwit.

Kung ang ipinakikita'y salungat,
Lakas nga ba ang ugat?
O, baka naman siya ang pinakamahina,
Sapagkat nagtatago lang siya sa ilalim ng isang Tula?

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon