Papel at panulat na lang ba ang 'laging katulong?
Gamot sa paghilom sa pusong kong puno ng tanong.
Wala na bang iba?
Patunay lamang na ako'y nag-iisa.Sa lahat ng dagok sa aking buhay,
Tuwing ang paligid ay matamlay,
Kapag ang awit ng mga ibo'y sumasablay,
Sila ang nariyan at ang nagbibigay kulay.May pagkakataong marami akong kasama,
Ngunit 'di ko naman sila nadama,
Ako'y kanilang napapangiti,
Gayunpaman, ramdam ko pa rin ang pagkasawi.Malupit na tadhana nasaan ang hustisya?
Batid kong ganito ang buhay, ngunit bakit sila pa?
Nakapalibot ang mga nilalang na humihinga,
Hindi ba puwedeng sila na lang aking Ama?Sabagay...
Bakit nga ba ako namimili?
Masuwerte pa nga ako't sila'y aking pag-aari,
Hindi katulad noong ibang walang kaibigan,
Tanging ang mayroon lang ay magagandang alaala ng nakaraan.Masyado akong mapili!
Sa totoo lang ako pa nga ay nagwagi,
Sa akin ibinigay ang talento at 'di sa ibang tao.
Kung wala sila ako'y, paano?
Iiyak na lang ng wala sa tono.
Dapat ako'y magpasalamat,
Sapagkat nariyan kayo, papel at panulat,
Ako'y pinagpala, kahit 'di karapat-dapat.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading