Titulo: Natatanging Ikaw
Tema: Self Love
sa panulat nina Dheekhaye Borja at Jessa FloranoPagmamahal sa sarili'y mahalaga,
Di naman ito pagiging makasarili, ika nga nila.
Kailangan ito upang makaahon,
Lalo na kapag ang mga nasa paligid natin, tayo'y ibabaon.Maging masaya na hindi nakaayon sa iba,
I-angat ang sarili sa gitna ng pagkadapa.
Huwag maging bulag sa katotohanan,
Na hindi lahat ay mananatili sa iyo habang-buhay
Maniwala ka ikaw lamang ang tangi mong kaagapayTumanggap ng pagkakamali't opinyon ng iba,
Gayumpaman, di sa lahat ng pagkakatao'y tama sila,
Suriin mo rin baka naman sinisira ka na,
Maging matalino, huwag hayaang apak-apakan ka.Huwag magpa-apekto sa mga negatibo,
Palaging isaalang-alang ang prinsipyo,
Ang magandang epekto nito'y ang pagiging disiplinado,
Isa rin ito sa magdadala sa'yo sa tamang landas na tatahakin mo.Problema'y maso-solusyonan,
Wala man ang mga kaibigan,
Kung ika'y nilulugmok huwag mag-alinlangang lumaban,
Sapagkat ang Maykapal, laging kang tutulungan.Ngumiti't huwag kang mangamba,
Kagaya ng bulaklak, mamumukadkad ka,
Sa agos ng buhay ikaw ay sumabay,
Magpatuloy lamang sa paglalabay.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading