Pagsulyap ko sa kahapon doon sa dako-paroon,
Naaninag ko ang liwanag ng mga ngiti natin noon.
Kasabay ng mga galak kasama ang mga kaibigang tunay,
Na siyang mas nagbigay sa buhay natin ng kulay.Pagsilip ko sa bintana ng puso kong sugatan,
Naroon pa pala ang mga alaalang nating naiwan.
Masakit pa rin at mahapdi itong puso kong sawi,
Kasama ka nga, ngunit wala sa iyo ang aking mga ngiti.Nang masilayan ko ang mga sandili ng ating lambingan,
Naalala ko ang mga salita mong kalokohan.
Nakakainis minsan, ngunit nakakakuryete't nakakapangig,
Nagdudulot ng ilang sa mata nating nakatitig.Tumingin ako sa gitna ng ating alaala,
Doo'y nakita ko mukhang mong masaya.
Malaki ang iyong ngiti kasama ang iyong minamahal,
Nasa balita pa'y malapit na ang inyong kasal.Lumingon ako kasama ng hapdi,
Pinigil ang pagpatak ng mga luhang may hikbi.
Anuman ang aking gawi'y 'di ko na mababago,
Kailangan ko nang tanggapin at palayain ang puso mo.Pagbabaliktanaw ko sa mga alaala'y nakakatulong ba?
Upang ang mainit na apoy ay maglaho na.
Solusyon ba ang pagkukumbinsi sa sarili...
"Kahit anong iyong gawin --- 'di mo siya pag-aari."Paano ko maibabalik ang aking ulirat?
Kasama ang paglalakbay ng imahinasyon kong salat.
Nais ko nang gumawa ng magiging alaala,
At iwanan ang mga masasaya't masalimot na nangyari na.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading