Noong nagsaklob ang langit at lupa,
Wala akong nagawa kun'di ang lumuha.
Sa sakit na naramdaman ko,
Mula sa walang kuwentang tao.Isip dito... isip doon,
Nakakabaliw, bakit ganoon?
Hindi nga ako perpekto,
Pero mabuti namang tao.Habang pinaghihilom ang wasak na puso ko,
May nagpapangiti at kumukumpleto sa araw ko.
Parang ang bilis, pag-ibig na ba ito?
Kahapon lamang umiiyak ako,
Pero ngayon, walang patid ang ngiti ko.Ganito talaga ang buhay?
Mapaglaro't makulay.
Kapag walang hikbi,
Asahan n'yo wala ring ngiti.May tinatawag na pagsubok,
Kapag nalampasan mo, tapos ang mga dagok.
Sabay lang sa agos,
Sapagkat, ang kapalaran mo ay ginawa ng Diyos.Huwag mawalan ng pag-asa,
Tulad ko, bukas-makalawa ngingiti ka.
Oo, hindi pa kami, ni nararamdaman niya'y 'di pa sinasabi,
Pero, ang mahalaga may gumagamot sa emosyon kong pinagkaitan ng ligaya.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoesieNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading