Ang Pagmamahal

2 0 0
                                    

Titolo: Ang Pagmamahal
Tema: Nagmahal, Iniwan, Nasaktan
Sa Panulat ni: Dheekhaye Borja
Hiling ni: Rosalie Mae N. Gamboa

Bakit nga ba ang mga tao'y kay tigas ng mga ulo?
Walang kadala-dala, kahit nasasaktan nang minu-minuto?
Kaysa diwa ang paganahin,
Puso ang sinusunod pa rin.

Unang kabanata ng kuwento'y kay saya,
Tila wala nang iwanan, kahit mundo'y magunaw pa.
Isinugal yaring pagkatao nang buong-buo,
Walang itinira, ni katiting, ang sinunod lang ay ang puso.
Nawari mang may mali ay sige nang sige pa rin,
Sapagkat inakalang sa altar ang diretso't, di mabibinbin.

Ngunit buhay ng tao'y animo'y aklat,
Sa umpisa'y masaya maging masaklap man ang pamagat,
Ang gitna ng bawat kuwento'y 'di mawawalan ng pagsubok,
Kaya't nararapat maging alerto't 'wag maging mapusok.

Umabot sa punto nang hiwalayan,
Pagmamahal ay nasaan, bakit hindi ipinaglaban?
Masakit, ngunit kailangang tanggapin,
Talo ka man sa sugal ay may pagkakamali ka rin.
Kung ginamit lamang ang utak 'di aabot sa ganitong wakas,
Na kung saan kabaliktaran ng pag-ibig na akala mo'y wagas.

Ang magmahal ng maaga'y 'di naman mali,
Kailangan lamang na makinig sa mga payo, upang magwagi.
Huwag kalimutang humingi ng tulong sa ating Maykapal,
Sa panahon ng kalituhan,
Upang magkaroon ng masayang yugto sa iyong libro ng karanasan.

©️

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon