"Sikreto ng mga guwapo,"
Unang linyang narinig ko mula sa 'yo.
Hanggang ngayon nananatiling sikreto,
Paano raw maging guwapo na katulad mo?
~~~~~~
Isang kengkoy na kaibigan na laging takbuhan,
Kapag ika'y lumapit, walang pag-iimbot ika'y tutulungan.
Ipararamdam sa 'yo na 'di ka nag-iisa,
May problema man ikaw ang uunahin niya.Handa niyang libutin ang buong bansa,
At sa likod ng kamera'y maglingkod ng kusa.
Hindi niya hangad mga natanggap na parangal,
Sapagkat ang pagkatao niya'y puno ng dangal.Sinong makakalimot sa isang RICO YAN?
Minamahal ng buong bansa hanggang sa kasalukuyan,
Mundo ma'y kaniyang nilisan,
Pagmamahal sa kanya'y walang hanggan.
~~~~~~
Sa dami ng kaniyang nagawa,
Ang hirap gumawa ng tula.
Sapagkat ang depinisyon sa kaniya'y iisang salita.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading