Nalilitong Damdamin

93 0 0
                                    

Nalilito ang diwa at damdamin,
Kailan ka nga ba napasaakin?
Sino ang naging dahin,
Nang sanhing pag-iibigan?

Nagtatalo ang ating mga akala,
Sino ba sa atin ang tama?
Ako ba na may ganiyan at ganito,
O, ikaw na nakakakilala sa sarili mo?

Saan mapupunta yaring pag-uusap,
Sa pagtatalo kaya o sa debate kahit 'di magkaharap?
Sa huli ano kaya ang magiging sagot,
Sa mga tanong na walang pag-iimbot?

Saan man tayo dalhin yaong katotoo at dahilan,
Pag-ibig pa rin ang mangingibabaw, sigurado ako riyan.
Hindi man kita lubos na kilala,
Luha ko ma'y napapatak mo na,
Di dahilan yan upang ako'y magduda,
Na may tadhana kaya tayo nagkakilala.

Ano't anuman ang mangyari sa huli,
MAHAL KITA, tatandaan mo lagi
Walang tanong o sitwasyon ang makakawasak,
Sa pag-iibigan nating wagas.
Walang sawang Pasasalamat sa Maykapal,
Na sumagot sa Ating Dasal.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon