Tunay

25 0 0
                                    

Sa lahat ng pagkakataon ikaw ang takbuhan,
Naiinis, natutuwa, naiiyak, kahit kinikilig sa kapwa kalalakehan.
Hindi ka seloso kaya't lahat ay nailalabas ko,
Tiwala lang naman ang kailangan sa relasyon ng bawat tao.

Sa kabila ng aking kahinaan ikaw ang nagsilbing lakas,
Tinig mo't musika ang nagturo sa aking tamang landas,
Tuwig naririnig ko ito nawawala ang pagod ko,
Ito rin ang nagpapakalma tuwing nagagalit ako.

Walang duda na ang pag-ibig mo'y totoo,
Mga nasambit mong pangako'y naipit sa puso ko.
Nakita ko ang aking sarili sa hinaharap na mangyayari,
Kasama ka at mga supling nating nasa gitna tuwing gabi.

Hanggang isang araw, gumuho ang mundo ko,
Nakakabaliw, paano nangyaring mali ang mga naramdaman ko?
Ngayon ko napatunayan na tama ang mga kaibigan ko.
Upang 'di mabigo, huwag puro puso.

Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyon,
Pagmamatigas ang iyong naging solusyon,
Upang makalimutan ang ating noon,
At makapagsimula muli ngayon.

Nalilito, nasasaktan, naghahanap,
Samu't sari ang aking paghihirap.
Tiwala sa Maykapal ang natatangi kong sandata,
Nagbibigay lakas sa akin at saya,
Mula sa payo ng mga kaibigan,
Hindi nagsasawang makinig tuwing aking kailangan.

Hindi na mahalaga kung mahal pa kita o hindi na,
Wala na akong oras upang ang puso'y pakiramdaman pa.
Sapagkat ang mga kaibigan at pamilya ko'y di ako iiwan,
Hindi ako pababayaan,
Katulad ng Diyos na narito ngayon sa aking harapan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon