Pinakamamahal Kong Bayan
ni: Dheekhaye BorjaRequested by: Christian Lou
Ka'y raming lumilisan dito sa ating Bayan,
Naghahanap ng ikabubuhay sa ibang bansa,
Para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya,
Galing sa sinapupunan kanilang iniiwan,
Para sa maganda nilang kinabukasan.Ka'y raming teleserye ang natatabunan,
Palabas mula sa ibang lengwahe di matapatan.
Magaganda naman ang lokal na obra,
Ngunit ang mga manonood ay di masaya.Ka'y raming tanawin ang dinadayo ng mga turista,
Kayumangging balat kanilang hinahangan para sa kanila'y maganda.
Ngunit bakit para sa mga mamamayan ito'y hindi sapat,
Mas ninanais nila ang puting balat.Bakit di na lang natin bigyang halaga kung ano ang mayroon tayo?
Dito tayo isinilang, di sa kabilang mundo,
May mga hanap-buhay naman na maliliit,
Kung pagsisikapan ay magbibigay rin ng tagumpay.
Mga obra sa ating bayan ay bigyang pansin,
Nilikha ito mula sa puso at masasabing isang sining
Mga tanawi'y ipagmalaki at ating pagyamanin.#ChallengeMe
#ImBackWritingIndustry
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading