Espesyal

19 0 0
                                    

Ikinukumpara sa mga kalalakihan,
Mahina raw kaya't kailangang alalayan,
Sa lahat ng bagay ay dapat gabayan,
Kung hindi ay madadapa at magagalusan.

Ang ibinibigay na trabaho'y maliliit,
Sapagkat baka raw sumablay, ulo nila'y sasakit.
Sukatan ba ng pagkatao'y lakas?
Kung mahina ba'y maliligaw na ng landas?
Gayunpama'y napahiya ang mundong mapanghusga,
Sapagkat tunay na kakayana'y
pinatunayan nila.

Tayong lahat ay pantay-pantay,
Sapagkat Diyos ang humubog mula sa Kaniyang mga kamay.
Ano't ano pa man ang ating kasarian,
Ating tanggapin, Siya ang nagbigay niyan.
Kung yan ang ibinigay sa 'yo siguradong may dahilan ito,
Balang-araw ay madidiskubre mo.

Kaya't tigilan na natin yaong pagmamalaki,
At pag-apak sa mga babae.
Kaya nila ang kaya mo,
Espesyal silang nilalang sa ating mundo.

Requested by: Bebz Malaga

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon