Ikaw ang sumalo sa pag-ibig kong sawi,
Nabuhay ang puso kong puno ng hikbi.
Tinuruan mo akong bumangon muli,
At araw-araw ay ngumiti.Nagpakatotoo ang huwad na damdamin ko,
Nakalimutan ko ang kahapon ng dahil sa 'yo,
Ano ang sikreto mo't nabihag ang marupok na puso ko?
Ka'y bilis ng mga pangyayari ang tanong ay paano?Hindi man kapani-paniwala ang ating kuwento,
Ang mahalaga 'di tayo nagloloko.
Sapagkat mula sa damdamin ang mga salitang, "Mahal kita."
Na sabay binibigkas ng labi nating dalawa.Pag-iibigan natin ay kakaiba,
Hindi na tayo bata, pero nilalanggam pa rin, kapag magkasama.
Marami mang hadlang bago tayo magkita,
Pinatutunay nating kaya nating lagpasan ang pagsubok ng tadhana.Salamat kay Kupido,
Ang pana niya ay itinusok sa 'yo.
Kung kailan alam ko na kung paano umibig ng tunay,
At kung paano ito iniaalay.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading