Natataning Paraan

18 0 0
                                    

Narito tayo sa bilog na mundo,
Hindi makakalabas, walang pinto rito,
Hindi man tayo nagkasala,
Heto't nadadamay tayo sa kanilang parusa,
Hindi tayo makatas,
Sa masalimuot nilang landas,

Ngunit paano?
Kahit saan tayo lumingon ay walang butas,
Walang paraan upang tayo'y makalabas,

Hanggang sa naalala ko,
Ang Tanging Daan...
Ang Tanging Landas...
Nag-iisang makakapagbigay sa atin ng paraan.

Dalawang sulok ng bilog,
Ito ay ang kabutihan at kamalian
Bilog na mundo'y magkakaroon ng pintuan,
Kung hihingin natin sa Diyos ang paaran.

Hindi niya ito ipagkakait basa't kapit-kamay tayong lalapit,
Bigbigyan Niya tayo ng pag-asa,
Ituturo, at ipapaintindi kung bakit nadadamay tayo sa mga maysala.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon