PAG-ASA

256 0 0
                                    

Ang kalangita'y dumidilim,
Inuunahan ang takip-silim.
Nagbabadya ang bagyo,
Debulyo sa puso ko.

Lumakas ang hangin,
Paano ko ito patitigilin?
Kung wasak na wasak ang damdamin,
Paano ko ito paghihilumin?

Bumabaha na ng luha,
Hindi ko mapigil ang pagdaloy, animo'y sumpa.
Hindi ko mapigilang mapatulala,
Parang baliw na kaawa-awa.

Paano ito huhupa?
Kung ang mga mata nami'y 'di magtatama?
Pakitanong kay PAG-ASA,
Baka may solusyon siya.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon