Collaboration
Dheekhaye Borja at Georzette JavaAng pamilya'y laging nariyan,
Anuman ang mangyari'y di kayo pababayaan.
Karamay sa lahat ng pagsubok sa buhay,
Sa mga laba'y kahawak-kamay.Pangigitiin sila upang lungkot ay maibsan,
Lalo na kung wala ang mga kaibigan.
Ginagawa nilang makulay ang buhay,
Hanggang maabot ang tagumpay.Ang maligaw ng landas ay 'di maiiwasan,
Gayunpaman nariyan sila, kaapay sa laban.
Sila ang iyong ilaw upang makatunghay,
Magsisilbing gabay kapag nalupaypay.Ngiti o hikbi man ang pinagdaraanan,
Walang pag-iimbot, silang nariyan.
Pampahid sa luha ay tagabigay,
Dalawang tainga'y nakikinig sa dalang-ingayKaya't sila ay ating pahalagahan,
Sapagkat kailanma'y di nila tayo pinabayaan.
Pagmamahal sa kanila'y buong pusong i-aalay,
Mula sa unang pag-iyak hanggang sila'y mahimlay.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
ŞiirNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading