MAY BITUIN SA DILIM
nina Jearvin Escarola at Dheekaye BorjaLingapin ang nakakubling sigalot sa damdamin,
kung ’di maitura’y idaraan sa mataimtimang panalangin;
puting mga ulap ay iyo rin sanang dungawin,
ngingiti ang talukap, gagaan ang mga pasanin.Hindi dulo ng pangarap ang mga kabiguan,
iginiya ka riyan upang mayro’ng matutuhan,
anuman ang hangad ay huwag lamang sukuan,
manalig ka’t ika’y tiyak Niyang tutulungan.Sa rehas ng pagkabigo, huwag kang magkulong,
subukan mong makawala ng 'di sumusubong,
mga pagsubok mula sa Maykapal ay may dahilan,
ang pagkakadapa'y magbibigay ng kalakasan.Anuman ang 'yong tadhana'y iyong tanggapin,
masaklap man o magaan ang mahalaga'y nabigyang pansin,
ipagmalaki mo ang 'yong katapangan,
ika'y isang inspirasyon para sa mga may katulad na kalagayan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading