Sa tagal ng panahong 'di nagamit ang papel at panulat,
Tila kaisipa'y hirap nang makapag-angkat.
Kay rami ng ideyang naglalaro,
Gayunpaman, kay hirap mamili ng isusugo.Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Anong kasunod na numero?
Kay sakit tanggapin na Writer's Block ay totoo.
Ani ng karamihan wala raw itong katotohanan,
Dahi-dahilan lamang ng mga manunulat na sadlak sa katamaran.Apat...
Lima...
Anim...
Naalala ko na kasunod, ituloy natin ang pagtatanim.
Sa isipan ng kabataan na walang imposible kung may nais kang mangyari.Kung ika'y nanghihina humanap ka ng inspirasyon,
Alalahanin mo ang mga bagay na nagbigay sa 'yo ng leksyon,
Isang paraan upang lakas mo'y manumbalik,
Makabubuo ka rin ng piyesa at titulo mo'y magbabalik.Pito...
Walo...
Siyam...
Tapos na ang agam-agamSampu!
Buo na ang tula mula sa aking puso,
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading