My Great 3 Crush

4 0 0
                                    

Paghanga lang daw ang aking naramdaman,
Napakabata ko pa raw noo't wala pa sa kasarinlan,
May tamang edad ba para sa tunay na pag-ibig?
Maaari namang maging inspirasyon sa paarala'y maging masigasig.
Daig pa niya ang artista sa aking imahinasyon,
Sa panaginip ko'y siya ang bida, walang limitasyon.

Mula nang makilala ko siya'y sigurado na ako,
Siya ang tadhana ko, hindi kung sino.
Grade 3 palang kasi umusbong na ang aking kabaliwan,
Ka'y agang nagmahal, ayaw na siyang pakawalan,
Ngunit lumilipas at natatapos ang panahon ng paaralan,
Hindi habang buhay akin siyang masisilayan.

Dasal ang aking kinapitan para sa aking kinabukasan,
Baliw na kung baliw pero siya ang nais kong pakasalan,
Umasa akong bukas-makala kami muli'y magkikita,
Kung kailan kami'y tatawaging tinadhana.

Hanggang isang araw lumiwanag ang kalangitan,
Nag-krus ang aming landas at ako'y kaniyang niligawan,
Kami ngayo'y nagmamahalan bilang magkasintahan,
Salamat sa Panginoo't ako'y Kaniyang pinagbigyan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon