Tahanan

41 0 0
                                    

Ang bawat nilalang ay may kaniya-kaniyang tahanan,
Iba't ibang uri at larawan.
Mayroong puno ng kasiyahan.
May puno ng kalungkutan.
Mayroon ding walang laman.

May bahay na bato,
Mayroon ding bahay kubo,
May nasa ilalim ng tulay,
May walang haligi ang itinuturing na bahay.

Maituturing na ang bahay n'yong bato, Kung matatag ang pamilya n'yo.
Maituturi namang bahay kubo,
Kung watak-watak kayo,
Madaling masira at malunod kapag bagyo.
Ang tirahan ninyo ay nasa ilalim ng tulay,
Kung sobrang ingay.
Walang haligi ang tahanan kung kumpleto,
Ngunit ang bawat isa'y nagtatanong, "Nasaan kayo?"

May isang perpektong tahanan,
Kailanman hindi ka pagsasarhan,
Ito ay ang simbahan.

Anong klase ang iyong tahanan?

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon