Kung ang kapalaran mo'y malupit,
Huwag kang sa luha kumapit.
Iwasan mo ang pagngiti ng pilit,
Baka diyan ay may magsipit.Tumingin ka sa iyong paligid,
Huwag lang sa inyong pawid.
Subukan mong tumingin sa mga bituwin,
Baka sakaling gumaan ang iyong nasa damdamin.Isigaw mo ang mabigat mong problema,
Sa lugar na wala kang kasama.
Gagaan ang iyong pakiramdam,
Sigurado ako sa pursyentong siyamnapu't siyam.Hindi naman masama ang magkimkim ng problema,
Kung doon ka masaya,
Lalo na kung takot ka sa TUNAY na mundo,
Kaya sarili mo lang ang pinagkakatiwalaan mo.Gayunpaman, iyong tandaan,
Hindi ka nag-iisa,
Darating ang panahon na kakailanganin mo ng kasama,
Kaya't puso mo'y iyong buksan,
Huwag kang matakot na papasukin sila sa puso mo, sa sarili mong paraan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading