Walang perpekto sa mundo,
Iyan ang paniniwala ng lahat ng tao,
Sapagkat lahat ay may kasalungat,
Tatsulok at gulong ng palad ay sinusukat.Tama bang magbase sa mga kasabihan,
Lalo na kapag pamilya na ang pinag-uusapan?
Mga taong hindi ka iiwa't pababayaan,
Sa mga pagluha mo'y handa kang ipaglaban,
Ang bawat parangal mo'y halos ipagsigawan.Walang perpektong tao,
Makasalanan ang mundo,
Walang perpektong ngiti,
Walang perpektong hikbi.Ngunit may perpekto pagdating sa pamilya,
Ito ay ang pagmamahal noong una kang nakita,
Perpektong saya na 'di mapapantayan,
Lalo na nang inang nagdala sa kaniyang sinapupunan.
Pagmamahal na mananatiling perpekto,
Lalo na kung kapit-kamay tuwing nagdarasal kay Kristo.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading