Pusong Martir

19 0 0
                                    

Nakilala mo siya't iyong minahal,
Binigyang halaga't halos ibinigay mo ang 'yong dangal,
Nagsakripisyo ka ngunit ikaw pa rin ang natalo,
Nilisan ka niya't pinamukha sa 'yo ang totoo.

Nawasak ang 'yong pagkatao,
Nadurog ang puso mo,
Wala nang natira sa 'yo,
Hanggang naging manhid ka na't naging bato.

Iniwasan mo ang lahat ng tao,
Ni ayaw mo nang makakilala ng kahit sino,
Sapagkat natatakot kang ika'y magkamali,
Ayaw mo nang umibig pang muli.

Kung hindi mo ibinigay ang lahat,
Kung ang ibinahagi mo lang sa kaniya'y sapat,
May matitira pa sa puso mo,
Maibibigay mo sa susunod na iibig sa 'yo.

Sino ba ang may kasalanan?
Upang ito ang maging iyong kapalaran?
Ikaw o siya?
Baka naman kayong dalawa.
Umibig ka ng wagas,
Siya nama'y tanggap lang nang tanggap pagkuwa'y tumakas.

Kung ika'y iibig alagaan mo ang puso mo,
Huwag mong hayaang samantalahin ito,
Makiramdam ka kung siya'y nanlalamig,
Huwag kang magpaka-martir, walang bayani sa pag-ibig.
Bigyan mo ng patas na pagmamahal,
Hindi yong kulang na lang, sa kaniya ka magdadasal.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon