Requested by: Ronaldo Cruz
Pagsasakrispyo ang kaniyang puhunan,
Habang tayo'y nasa sinapupunan,
Mga mahahalagang bagay sa kaniyang buhay kinailangang iwanan,
Masigurado lang ang ating kaligtasan,
Sa ating paglaki siya'y nakasubaybay,
Sa bawat paghakbang siya'y nakaantabay,
Ang ating ina'y handang gawin lahat para sa atin,
Di alintana kung sa tahanan lang siya mabinbin,
Dakilang maituturing ang ating ina,
Lahat ay kaya niyang isaalang-alang, di man natin makita,
Kung wala siya'y wala tayo rito sa mundo,
Kaya't karapatdapat siyang bigyan ng RESPETO.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading