Nagtataka ako, bakit hirap akong magsulat?
Alam ko ang istorya ng buhay Mo,
Ngunit bakit hindi ako makakatha ng isa pa sa Iyo?
Ako'y nagtataka, anong nangyayari sa utak ko?
Pilit ko bang pinagaganda kaya't nangyayari ito?Lahat ng istilo ko sa paggawa ay sinubukan ko,
Ngunit ganoon pa rin, litong-lito ako,
Dahil ba sa labis ang Iyong kabutihan?
Kaya't nararapat na ang obra'y gandahan?Hanggang sa naisip ko ang katotohanan,
Ako nga pala'y makasalanan,
Kaya't naisip kong isulat,
Ang nasa puso ko, na sa Iyo'y nararapat,
"Panginoon, Salamat."
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading