Bayani ng Buhay

1.2K 0 0
                                    


I

Haliging iwinawagayway paninindigan ng tahanan,
Puno ng 'yong kalayaan upang ika'y maisilang sa Bayan.
Unang labing ngumiti nang marinig ang tinig ng 'yong pagluha,
Wagas ang pakiramdam, parang siya'y 'pinagpala.

II

Lumipas ang panaho't natuto kang bumangon,
Naging malaya ka't nakalimot sa mga pangaral niyang yaon.
Pinigilan ka ma'y siya'y nabigo,
Nasakop ka nang impluwensya ng 'yong mga dating kalaro.

III

Sa mata ng karamihan siya'y magiting at 'di patitinag,
Ngunit sa mga kabiguan mo'y, patak ng luha ang maaaninag.
Sa pagmamahal sa 'yo, pagkatao niya'y bulag,
Wari'y naapi, ang pagiging haligi'y nabuwag.

IV

Dumating ang panahon, siya'y natauhan,
Ikaw pa itong may lakas ng loob na lumaban.
Wala siyang nagawa, naisuko niya ang kan'yang bandila,
Hinayaan kang lumigaya gamit ang sarili mong mga paa.

V

Masakit man sa kaloobang, pamilya'y nabawasan,
Buhay ay gan'yan, parang bansang inaangkin ng kun' sinu-sino man.
Dasal na lang ang kan'yang naging sandigan,
Tanging bukang bibig, "Huwag N'yo po siyang pababayaan."

VI

Panaho'y lumipas, suwerte mo'y kumupas,
Buhay mo'y napatid, kailangan mo nang lakas.
Nagtungo ka sa mga 'pinagmamalaking kaibigan,
Ngunit ni-isa'y 'di ka natulungan.

VII

Sinubukan mong magtungo sa 'yong pamilyang iniwan,
Naglakas-loob, kahit may pag-aalinlangan.
'Di inasahang luha mo'y punasan ng 'yong amang, Hari, ng tahanan,
Siya'y ngumiti naging Bayani ng iyong pagkasawi.

VIII

Ngayon, iyong napagtanto, pag-ibig ng pamilya'y 'di sa 'yo susuko,
'Di ka pababayaan, kahit dinulot mo'y luhang tumulo.
'Di ka iiwa't, ika'y ipaglalaban,
Tulad ng ginawa ng mga mamamayan sa kanilang lupang sinilangan.

'Di ka iiwa't, ika'y ipaglalaban,Tulad ng ginawa ng mga mamamayan sa kanilang lupang sinilangan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon