Pusong Umaasa

40 0 0
                                    

Ako'y nasawi sa una kong pag-ibig,
Halos gumuho yari kong daigdig,
Tinanggap ang lahat ng mga hamong dumating,
Walang inurungan, ni katiting.

Ngunit tadhana'y sad'yang malupit,
Ako'y nanatiling sawi't may pait,
Kinailangan ko ng tanggapin,
At sa pag-ibig 'wag 'paalipin.

Dumating ang araw may sumilaw na pag-asa,
Muli akong umibig sa lalaking, aking nakilala.
Araw-araw kami'y magkasama,
Pinakikinggan niya lahat ng aking mga drama.

Ngunit 'di inaasahan siya'y aking nakita,
May kasamang babaeng ubod nang ganda.
Magkahawak kama'y sila't ngiti'y walang patid,
Na sa puso ko'y sakit ang naging hatid.

Sa pangalawang pagkakataon ako'y nasaktan,
Mas masakit doon sa unang aking naranasan.
Langit at lupa'y tila sa aki'y sumaklob,
Hanggang kailan masasaktan itong aking nasa loob?

May lalaki kayang sa aki'y nakatadhana?
O, habang buhay akong mag-iisa't luluha?
Anuman ang sapitin ko sa larangan ng pag-ibig,
Tatayo akong muli't sa Panginoo'y mananalig.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon