I
Mga labi na noo’y nakangiti,
Ngayo’y nababalot na nang pighati.
Mga nagniningning na mga mata,
Ngayo’y luha ang maaaninag na.II
Nasa ilalim na ang kulay pula sa ating bandila,
Malaya na ang tatlong araw sa bawat sulok ng bansa.
Ang ilang nagtatangka’y hindi na nagtatagumpay,
Sapagkat ang mga mamamaya’y kapit-kapit ang kamay.III
Natapos na ang noo’y malagim na digmaan,
Ngayon ay may nasasaksihan na naman.
Ang nagtangkang sumakop noo’y ibang bansa,
Ngayon ay sariling mamamayan ang gumagawa.IV
Noon bandila ng iba ang itinatanim,
Ngayon sariling gawa ang naghahasik ng lagim.
Bakit kayo bumitaw sa paghawak ng kamay?
At nakalimot sa mga bilin ng mga bayani --- noong sila’y buhay?V
Sariling bansa ang inyong sinisira,
Kalahing mamamayan ang inyong inaalila.
Tayo raw ay iisa ang lahi at lipi,
Bakit kailangan pa ng salitang “Pagwawagi?”VI
Bayang salat ang inyong inaangkin,
Bakit hindi na lang sila tulungan at ibigin?
Dasal lang ba ang tanging solus’yon upang malunasan?
Wala ba kayong sariling puso na maaaring matauhan?VII
Itigil ninyo na ang kasalukuyang giyera,
Bagkus sama-sama tayong magwagayway ng ating bandera.
Mga lakas at kaalama’y gamitin na lamang sa pagtatanggol,
Sapagkat pagkakaisa ang sa ati’y nauukol.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading