Manguna sa Pagkakaisa

1.9K 2 0
                                    


Mga kalamidad sa buhay nagawang lampasan,
Gaano man ito kahirap, di tinakasan,
Paniniwala sa Maykapal ang ginamit na sandata,
Idinagdag pa ang napatunayang pagkakaisa.

Ngunit ang buhay ay di mawawalan ng pagsubok,
Na malulutas lamang kung gagamitin ang pusong tumitubok,
Lahat ay malalampasan habang nagkakapit-kamay,
Walang bibitaw mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.

Isang kalamidad ang sumusubok sa kasalukuyan,
Buong mundo'y kinakalaban, walang kinakatakutan,
Hindi mawari, kung kailan ang katapusan,
Sapagkat di na kapit-bisig, di tulad noong nakaraan.

Gustuhin man ng mga mamamayan ang lumaban,
Wala namang ibinibigay na armas para sa taong-bayan,
Paano muling aahon sa pagkakalugmok,
Kung ang mga namumuno'y wala sa mata ng bagyo ang pagtutok?
Kailan matatapos, yaring paghihirap?
Kung ang mga solusyon ay kulang ang sangkap?
Paano makakabuo ng mga solusyon?
Kung ang pinag-uusapan ay wala sa leksyon?

Nawa'y unahin na muli ang problemang nakakasawi,
Iisantabi muna ang usapang sari-sari,
Makiisa sa pagtutulungan, huwag puro karangalan,
May panahon diyan, di nga lang klaro kung kailan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon