Tuwing kailangan ay laging nariyan,
Sa lahat nang pagkakatao'y maaasahan.
Walang tulong na tinatanggihan,
Lahat ay gagawin maging anuman 'yan.Alintana niya 'pag ako'y may problema,
Gayundin, 'pag ako'y may sikreto't masaya.
Siya ang tanging nakakapagpagaan ng aking damdamin,
Solusyon sa aking alinlanga'y kaya niyang alamin.Para sa akin siya'y nag-iisa,
Walang kayang tumapat na iba.
Hindi ko kaya kung siya'y mawawala,
Kung saka-sakali'y babaha ng mga luha.Ang pagmamahal niya sa 'kin ay walang patid,
Kapantay ng sa aking mga kapatid.
Ang pagturing niya sa amin mula pa noong una,
Walang katumbas kahit pa ang sa inyo'y puno na.Ang bayani ng aking buhay ay hindi na kailangan nang kapangyarihan,
Sapagkat lahat ng aming pangangailanga'y kaya niyang tustusan,
Ipinakikilala ko ang hinahangaan kong si Inay,
Para sa 'min lahat ay kaya niyang gawin, tulad ni Itay.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading