Ikaw kasi ang arte-arte mo,
Ayan tuloy hindi naging tayo,
Ngayon stalker ka sa fb at instagram ko,
Ayan ang napapala ng mga torpeng tulad mo.Kunyari mang-iinis, mang-aasar,
Laging nakakontra sa
mga Debate Idea, 'di naman umuubra,
Araw-araw na lang nang-iinis,
Madalas walang tigil ang pangungulit.Style mo bulok!
Ayan anong napala mo?
Naunahan ka noong dating boyfriend ko,
Akala ko aalagan ako't po-protektan,
Ngunit mali, lagi na lang akong sinasaktan.Ngayon, hindi magtugma sa 'tin ang tadhana,
Nagkakasalisi tuwing tayo'y handa,
Kung noon hindi mo inuna ang katorpehan mo,
E'di sana ngayon may pamilya na tayo.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading