Isang magandang araw ang idinudulot,
Nang sinimulang ngiting walang pag-iimbot,
Ligaya ang aking nadarama,
Tuwing nakikita ang mahaba mong pilik-mata.Mga mata mo'y nagniningning animo'y mga bituin,
Mapula mong labi'y unang napapansin,
Animo'y walang dagok ang iyong buhay,
Natatanging ligaya lamang at makulay.Walang hanggang saya'y iyongn ibinabagi,
Sa mundong puno ng ngiwi,
Malinis mong pusong tumitibok,
Sa saliw ng awiting tinatampok.Pangarap mo'y iyong makakamit,
Sa Panginoon lamang ika'y kumapit,
Makinig sa iyong mga kaibigan,
Nakilala mo man 'yan kung saan-saan.Huwag kalimutang lumingon sa pinanggalingan,
Diyan ka nanggaling at 'di sa 'yong harapan,
Ang pagmamahal ay huwag kalilimutan,
Lalo na kung sa pamilya mo 'yan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading