Ang pagkakamali ay hindi maiiwasan,
Walang perpekto, yan ang katotohanan,
Isang daan ito, upang tayo'y matuto,
Maging marangal at mabuting tao.Nariyan ang tukso, upang ika'y magkasala,
Ngunit nasa sa iyo pa rin, kung ika'y magpapadala.
May taglay kang puso't isipan,
Subukan mong gamitin, masasagot ang yong katanungan.Ang kasalana'y natatangi, bunga ng pagkakamali,
Gayunpaman, Tama ang dapat manatili.
May tinatawag na Pagbabago,
Pangalawang pagkakataong ibinibigay sa atin ng mundo.
Huwag kang magdalawang-isip na gamitin ito,
Nakakahiya man ngunit kailangan mo.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading