Karapat-dapat

29 0 0
                                    

Ang pagmamahal ko sa 'yo ay hindi masusukat,
Mula pa noong ang magmamahalan natin ay nag-ugat.
Sino ang mag-aakala na ikaw ang sa aki'y nakatadhana?
Kung sabagay, ang pag-ibig ay mahiwaga.

Pagmulat ko ng aking mga mata,
Mensahe mo ang nakikita.
Hindi ka nakakalimot,
Maliban na lang kung noong gabi'y mukha ko'y nakabusangot.
Dahilan upang ika'y hanap-hanapin,
Naghihintay kung kailan ka muling mamamansin.

Tuwing ako'y nagtatampo,
Musika ang pan-lambing mo.
Hindi ka naman nabibigo,
Nahuli mo ang kiliti ng aking puso.

Sabi nila sobra ako kung magmahal,
Kaya dapat bawasan, upang walang masakal.
Gayunpaman, kung "karapat-dapat" ang pag-uusapan,
Walang pag-aalinlangan,
Sa salitang 'yon, ikaw lang ang may karapatan.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon