Dilim Patungo sa Liwanag

100 0 0
                                    

Habang aking tinatahak ang aking tagumpay,
Di inaasahang maligaw ng walang kaagapay,
Sinubukan kong hanapin ang liwanag,
Ngunit ni katiting wala akong naaninag.

Bumaha ng luha sa tuyot na lupa,
Akala ko'y 'di na huhupa.
Gayunpaman, lungkot ay 'di nawala,
Kailan ko makikita ang daang pinagpala?

Nasabi ko sa aking sarili, "wala ng pag-asa, pangarap mo'y maglalaho na.
Tanggapin mo na lang habang buhay ka ng mag-iisa."

Ngunit 'di inaasahan may paruparong nagpakita,
Lumigid-ligid parang sinasabi, "halika, sumunod ka."
Sinunod ko ang aking puso,
Sinundan ko ang paruparong 'di naman sa aki'y dumapo.

Ako'y nagulat sa aking nadatnan,
Inihatid niya ako sa lugar na 'di ko mawari kung saan.
May mga alitaptap na naggagandahan,
Kalaro ng mga Diyosang nagkakantahan.

May mga sintunado at wala sa tono,
Gayunpaman, nakakahalina pa rin ang mga ito.
Inanyayahan nila ako sa kanilang palasyo,
Doon nakita ko ang isa sa aking mga litrato.
Ako'y napakunot-noo, "bakit ito narito?"

Isinama nila ako sa isang kuwarto,
Doon ko nakita ang aking mga tropeyo,
Mula sa mga tula at mga istorya ko,
"Ano bang nangyayari, anong ibig sabihin nito?"

Sa wakas isa-isa silang nagpakilala,
Susi upang bumalik ang aking memorya.
Napaili-iling ako, "hindi ito totoo, wala rito ang buhay ko."
Ayokong tanggapin ang mga naaalala ko.

Bakas ang lungkot sa kanilang mga mata,
Ang mga Diyosa'y lumuluha rin pala.
Nakakapagtaka, anong problema?
Ayoko lang naman sa perpektong mundo nila.
Buong paligid ay biglang tumamlay,
Puso ko'y sumabay, tila humimlay.

"Mga tanong sa aking isipan,
Bigyan n'yo ng kasagutan.
Bakit ganito, gaano ba ako kahalaga?
Ako ba ang inyong reyna o ang inyong prinsesa?"

May isang sumagot sa aking katanungan,
Sa wakas tanong ko'y mabibigyan ng kasagutan.
"Hindi mo kailangang maging espesyal, upang bigyang halaga,
Kaibigan ka namin kaya't kung mananatili ka babalik ang saya."

Tumibok ang aking puso,
Dahil sa mga salitang sa aki'y dumapo.
Ako'y napangiti at nakawala sa dilim ng pagkasawi,
Naaninag ko ang kahapong walang hikbi.

Aking napagtanto, narito ang puso ko,
Handa kong ng harapin anuman ang maging pagbabago.
Diyosa man ako o simpleng tao,
Narito man o wala ang mga pangarap ko,
Masaya man o malungkot dito sa kabilang mundo,
Isa lang ang alam ko, "masaya ako sapagkat narito ang mga Diyosang Tanggap Ako.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon