Tila itinadhana...
Nang mga mata nati'y nagtama,
Malayo man ang pinagmulan,
Na 'di mawari kung saan.Di mawari ano nga bang mayroon ka?
Hindi ko ba ito matatagpuan sa iba?
Puso ba ang gumagana?
O, paghanga lang tulad ng 'sabi nila?May panahong masakit,
Tadhana'y malupit.
May panahong masaya,
Puro ngiti't ligaya.Di man malinaw,
Itinuloy pa rin ang pag-ibig na pumukaw.
Di man sigurado,
Ang mahalaga'y sinubukan kahit papaano.Itinaya ang puso,
Kahit ramdam na may naglalaro.
Masakit man ang naging katapusan,
May pagsisisi man dito at diyan,
Ang malaga'y may natutunan,
Sa Masaklap na Katotohanan.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading