I
Bansang natatangi ang bandila,
Nagtataglay ng sariling wika.
Nang sakupi'y 'di nagpatinag, bagkos ay lalong tumatag,
Pinagtanggol ang lahi, batas ng kalaba'y nilabag.II
Nag-iisang hari ng aming tahanan, laging nariyan,
Sa lahat ng laba'y 'di kami pinabayaan.
Tatak ng kaniyang apelido'y pinanindigan,
Ipamamana sa 'min upang maipagmalaki ng Bayan.III
Matalas na dila ng marami'y, kung anu-ano ang sinasabi,
Lugar daw ay marumi kaya't inaapi.
Ang tanong bakit sinasakop?
'Di kaya, sapagkat mabulaklak na salita ang naaangkop?IV
Ama ko'y nag-iisa, walang bahid na may pangalawa,
Kalooba'y malinis, laging nakatawa.
Wala ng kahit anong maitatanong,
Nasa kaniya na lahat, wala ng karugtong.V
Bansa ko ma'y naghihirap,
'di nawawalan ng pangarap
Bagkos, balakid ay hinaharap.
Mamamaya'y iniiwan man ang pamilya,
Itinatatak sa isip, "Bukas tayo'y liligaya."VI
Pagsubok sa pamilya'y, 'di maiiwasan,
Kahit gaano kahirap, siya'y nagawa ng paraan.
Pag-ibig ang kaniyang sandata para sa pamilya,
Kaya't 'di nabibigo, sapagkat siya'y 'di sumusuko.VII
Tulad ng aking bansang sinilangan, ama ko'y natatangi,
Sa mga pagsubok, siya'y nagwawagi.
Walang kinitatakutan, pag-ibig ang sandigan,
Walang kinikilingan, pamilya ang sandalan.VIII
Paano maiibabalik, nagawa nila sa 'kin?
'Di ko pa rin alam, sagot ko'y aking hahanapin.
Gaano ko sila kamahal?
'Di ko man maipakita'y aking ipinagdarasal.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading