Ang lahat ng tao ay makasalanan,
Ikaw...
Ako...
Tayo...
Mula noon hanggang ngayon sa kasalukuyan.
Bawat hakbang na ating nagawa may mali at tama,Gayunpaman, may ipinadala upang tayong turuan,
Kung paano linisin ang dumi sa ating katauhan,
Kailangan lang nating gamitin ang ating natutunan,
Huwag ikulong sa ating isipan.Mga pagkakamaling nagawa,
Lahat yan ay mawawala,
Bigkasin lamang paghingi ng tawad na salita,
Hindi naman ito ipagkakait,
Nang natatanging Diyos na nasa langit.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading