Tunay na Kaibigan

117 0 0
                                    

Tuwing kailangan ay nariyan,
'Di nag-aalinlangang luha mo'y punasan.
Batid kung kailan kailangan,
Kahit 'di 'pinahihiwatig ay nahuhulaan.

Inaantok man sa kuwentong paulit-ulit,
'Di nagagalit, pangalan man niya'y nadadawit.
Sa walang kuwentang istorya'y 'di naiinis,
Bagkus ay iniiba ang diwa nito't bihis.

Magkaroon man nang 'di pagkakaintindihan,
Mabilis sinusolusyunan.
Masakit man ang nabitawang salita'y binabalewala,
Ang nangingibabaw ay mabuting nagawa.

Ano nga ba ang sikreto ng pagkakaibigan?
Bakit tali'y 'di napapatid, walang iwanan?
Mga tanong na ito'y aking iiwanan,
Ikaw ang sumagot at alaming --- Tunay ba ang aking kaibigan?

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon