Ngiti nila'y walang patid noong marinig ang una mong tinig,
Nagmumula sa 'yong inosenteng labing wari'y may nais ipahiwatig.
Ang unang pagmulat ng may ningning mong mga mata,
Ang siyang nagbigay lakas sa noo'y kahinaan nila.Binigay sa 'yo ang lahat ng iyong mga luho,
Kahit gipit na'y gumagawa nang paraan --- basta para sa 'yo.
Pagmamahal nila sa 'yo'y walang katumbas,
Kahit ang iyong puso para sa kanila'y nasa labas.Naging rebelde ka noong sinubukan ka nilang itama,
Para pa sa 'yo 'di ka nila mahal kaya nila 'yon ginawa.
Para sa 'yo ang barkada'y mahalaga,
Sapagkat kaligayahan ang iniaalay nila.Isang araw umalis ka sa puder ng 'yong mga magulang,
Para sa 'yo, sila ang nagkulang.
Kumatok ka sa pinto ng iyong mga kaibigan,
Ngunit ni isa, walang nagpapasok, halos ika'y ipagtabuyan.Habang natutulog ka sa kalye, isang gabi,
Isang kamay ang gumising sa 'yo at tumabi.
"Umuwi ka na hindi rito ang iyong tahanan,
Naghihintay sa 'yo ang tunay mong kanlungan."
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading