Apoy sa Mata ng Inosente
ni: Dheekhaye Borja
Requested by: Jearvin Abuelo EscarolaPaano ako hihingi ng tawad,
Sa kasalanang huwad?
Ano ba ang nagawa ko,
Bakit ang parusa'y nais n'yo sa akin ipako?Nais kong magalit,
Ngunit puso ako'y pinipiit.
Likas na kabutihan ang pagkakahulma ng tadhana,
Paggawa ng kasamaa'y 'di ko magagawa.Anuman ang gawin at sabihin n'yo,
Apoy sa mata ko'y 'di hahayaan ng aking puso,
Sapagkat nariyan ang Maykapal,
Alam kong dinidinig ang aking mga Dasal.Bukas-makalawa katotohana'y malalantad,
Alam kong ang katarunga'y uusad.
Huwag n'yo nang ipilit na ako'y magalit,
Wala kayong mapapala 'di ako pupuslit.
Hahayaan ko na lang ang Diyos ang humusga,
Ang lahat ng nangyayari'y siya lang ang nakakakita.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading