Nakilala kita nang 'di sinasadya,
Noong panahong lungkot ay nagbabadya.
Nang dahil sa 'yo madaling naibsan ang kirot sa puso ko,
Napalitan ng pag-asang liligaya muli ako.Nawawala ang pakiramdam ng pag-iisa,
Kahit ang katotohana'y wala akong kasama,
Balikat mo'y laging handa,
Sa mga kuwento ko'y di ka nagsasawa.Kapag may tampuha'y agad naaayos,
Sapagkat 'di ka asal bata't mauunawaing, lubos.
Itinuro mo sa akin ang pagiging mapagpasensya,
Isang katangiang, nararapat na taglay ng masa.Ikaw ang biyaya sa akin ng Maykapal,
Ang naging sagot sa aking dasal.
Maraming salamat at ikaw ang napili,
Isang Anghel para sa tulad kong, laging sawi.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading