Pagbalik sa Iniwan

16 0 0
                                    

Paano magbabalik sa
larangang nasasabik?
Kung ang atensyo'y nakabaling sa iba't nakasiksik?
Paano ka maka-iisip ng panimula,
Kung pinipilit mong higitan ang iyong nakaraang nagawa?

Magpahinga ka sapagkat iya'y kailangan,
Upang lalong pagyamanin pa ang 'yong kaisipan,
Makakamtan mo ang tagumpay,
Kailangan lamang ay magbase sa karanasang lupaypay.

Huwag kang mag-alinlangang subukan ang ibang bagay,
Huwag kang magpadala sa takot na, BAKA PUMUROL ka't mawalan ng saysay.
Iwanan ang iyong puso't kaluluwa,
Kung nakatadhana sa 'yo ang isang bagay diyan ay babalik at babalik ka.

Paminsan-minsan kailangan mong sumubok ng ibang larangan,
Ang pansi'y huwag sa iisa lang ang pagtuunan,
Tandaan ang buhay ay iisa't maikli,
Kaya't huwag kang magkulong sa iisang dagli.
Matapang mong ikutin ang mundo ng karunungan, talento't iba pa,
Sa tulong ng Diyos doon ka pa rin uuwi sa kung saa'y nakatadhana ka.

©dheekhaye

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon