Salungat ang Damdamin

14 0 0
                                    

Mga paniniwala ng mga tao'y iba't iba,
Maging relihiyon ay 'di na iisa,
Kahit sa pag-ibig, nagkakaroon ng ibang panig,
Ang pamilya'y nawawasak, dahil iba't iba ang dinidinig.

Iisa lang naman ang sa ati'y humulma,
Bakit kinakailangang may magkakasalungat pa?
Maaari namang magkasundo,
Kung gugustuhin ng ating mga puso.

Huwag daw paniwalaan ang mga kasabihan,
Di naman daw natin nararanasan,
Ito lamang daw ay gawa-gawa ng matatanda,
Upang pasunurin at takutin ang mga bata.

Iisa lamang ang Diyos ngunit napakaraming relihiyon,
Iisa naman ang Bibliya ba't ibang paniniwala'y ibinaon.
Mali ito, mali 'yan...
Paano mo nasabi, nakausap mo ba ang Maykapal?
Kinausap ka ba niya habang ika'y nagdarasal?

Noong ika'y umibig, atensyon mo'y sa kaniya,
Ngunit unti-unti ito'y nabaling sa iba,
Sapagkat napakaraming 'di pinagkakasunduan,
Dapat kasi kinilala muna bago pusuan.

Nawawasak ang pamilya dahil sa pagkakaiba,
Dinidinig kasi ang sinasabi ng iba.
Bakit kailangan pa?
Nasa iisang bubong naman kayo hindi ba?
Maaari namang doon mag-usap-usap tuwing may problema,
Huwag na sa kapitbahay ang buong pangyayari'y 'di nila nakita.

Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon