Pinasaya mo ng sobra, iiwan mo rin pala,
Hindi ka pala sigurado, hinayaan mong mahulog sa 'yo ng todo.
Kung kailan hindi na kayang makaahon,
Kung kailan hindi na kayang makabangon,
Kung kailan wala ng lakas,
Dulot ng pusong umibig sa 'yo ng wagas.Mga tanong ay naglaro sa isip mo,
Hindi mo naipaglaban gamit ang puso mo.
Mga binigkas na pangako, lahat ay napako,
Inibig mo ngunit bakit agad kang sumuko?
Pag-ibig ay hindi basta-basta naglalaho,
Maliban na lamang kung ang umiibig ay hindi ang iyong puso.Nawa'y maging maligaya ka sa piling ng iba,
Sana'y hindi ka na masaktan pa.
Dalangin sa Panginoon ang 'yong kaligayahan,
Desisyon mo sana'y hindi mo pagsisihan.Masakit man ang ika'y palayain,
Ngunit ito ang nararapat gawin.
Dinurog mo man ang binuo mo,
Mananatili itong matatag para sa 'yo.
Nawa'y maging malakas ang may ari nito,
Huwag mabuhay sa madilim na mundo,
Huwag isara ang puso para sa ibang tao.
Bagkos ay magpasalamat na ika'y dumating,
Matanggap ang mga pangyayari't huwag maging sakim.
Maniwala sa plano ng Diyos,
Na sa kaniya'y nagmamahal nang lubos.
BINABASA MO ANG
Koleksiyon ng mga Tula (Tagalog)
PoetryNabitin ka ba sa Poetry of the Wandering Mind? Nais mo bang mabasa kung paano gumawa ng tagalog na tula si Dheekhaye? Tara! Enjoy reading